Nuggets of Wisdom According To Pedro

PEDRO: Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga mumunti ngunit  ginintuang butil ng payo na nakuha ko sa aking mga  magulang… Kaya heto, aking ise-share sa inyo:
1. Si Inay, tinuruan niya ako HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE.
“Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa  labas! Mga leche kayo, kalilinis ko lang ng bahay.”

2.  Natuto ako ng RELIGION kay Itay.
“Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka  na!”

3.Kay Inay ako natuto ng LOGIC
“Kaya ganyan, dahil sinabi ko.”

4. At kay Inay pa rin ako natuto MORE LOGIC.
“Kapag ikaw ay nalaglag diyan sa bubong, ako lang  magisa ang manonood ng sine.”

5. Si Inay din ang nagturo sa akin kung ano ang ibig  sahibin ng IRONY.
“Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng  iiyakan mo!”

6. Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang CONTORTIONISM.
“Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo, tignan mo!!!”

7. Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung anong ibig  sabihin ng STAMINA.
“Wag kang tatayo diyan hangga’t di mo natatapos  yang lahat ng pagkain mo!”

8. At si Inay ang nagturo sa amin kung ano ang  WEATHER.
“Lintek talaga kayo, ano ba itong kuwarto nyong  magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!”

9. Ganito ang paliwanag sa akin ni Inay tungkol sa  CIRCLE OF LIFE:
“Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito,  maari rin kitang alisin sa mundong ito.”

10. Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION.
“Tumigil ka nga diyan! Huwag kang mag-inarte na parang Nanay mo!”

11. Si Inay naman ang nagturo kung anong ibig sabihin  ng GENETICS.
“Nagmana ka ngang talaga sa ama mong walanghiya!”

12. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig sabihin ng ENVY.
“Maraming mga batang ulila sa magulang, di ba kayo nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad namin?”

13. Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION.
“Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa  bahay!”

14. At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung anong  ibig sabihin ng RECEIVING.
“Uupakan kita pagdating natin sa bahay!”

15. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang  HUMOR.
“Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong  lawnmower, wag na wag kang tatakbo sa akin at  lulumpuhin kita!”

16. At ang pinakamahalaga sa lahat, natutunan ko kina  Inay at Itay kung ano ang JUSTICE.
“Isang araw magkakaroon ka rin ng anak, tiyak maging  katulad mo at magiging pasakit din sa ulo!”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s